Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 

ang halimaw na walang pangalan by ~bazurs13:iconbazurs13:





". . . Tell us of the secret hosts of evil, O Cimon:'
"Their names may not be spake aloud lest they profane
mortal lips,
for they came out of unholy darknesses and attacked the
heavens, but they
were driven away by the rage of angels . . :'
-from Dialogues of Chios











Ang Halimaw Na Walang Pangalan …


I Ang Unang Kabanata:  Ang paghahanap at pagkawalay…

May isang natatanging mahiwagang panahon kung kailan nabuhay ang isang nalulumbay na halimaw na walang pangalan.
Malamig ang kaniyang mga kamay, puno ng hinagpis ang kaniyang puso.
Masalimuot ang nilalaman ng kanyang isip na nakikita sa kanyang mga mata.
At kung masasabi ng ibang tao ay malisyoso ang tingin niya na palibot-libot kung san-san na parang nawawala.
Mabasabasa ang magaspang niyang balat.
Pinalilibutan siya ng langaw na nahuhumaling sa matamis na amoy ng kanyang nabubulok na hininga.
Balisa ang kulay ng kanyang compleksiyon.
Ang pinaka-magandang parte lamang sa kanya ay ang kanyang mata na kumikinang na berde parang diamante.

Dumalaw siya sa mundo upang maghanap ng pangalan na puwede niyang angkinin. Gustong gusto ng halimaw ng pangalan na nakararamdam siya ng sakit sa isip at pagninikip ng kalooban dahil sa wala siya nito.
“Ano ba ang kailangan koong tahakin para magkaroon ng pangalan?”

Nagpasiya ang halimaw na umalis sa isang paglalakbay upang mahanap niya ang sarili ng isang katangi-tanging pangalan.

Ngunit dahil apaka laki ng mundo hinati niya ang kanyang sarili sa dalawa.

Kaya’t gumawa siya ng kakambal upang malibot niya sa dalawang magkahiwalay na direction ang paglalakbay sa mundo.

Tinignan niya sa mata ang kanyang kambal. Imahen ng isa’t isa sa salamin. Ngunit di’ magka-tulad.

Ang isang halimaw naglakbay papunta sa mahiwagang silangan, habang sa kanluran naman nagpunta ang kambal niyang halimaw.

Sa paglalakbay ng halimaw na nagpuntang silangan natagpuan niya ang isang mahimbing na nayon sa pagitan ng dalawang bundok.

Nakakilala siya dito ng isang panday sa pagpasok niya ng nayon.
“ Manong Panday, maaari niyo ba ho akong bigyan ng pangalan?” Nagtanong  ang halimaw.

Tumugon ang panday, “Aba, at bakit ko ibibigay ang pangalan ko sayo?  Isa kang Halimaw! Hinding hindi ko ibibigay ang pangalan ko sayo.”

“Kung ibibigay mo sakin ang iyong pangalan tatalon at papasok ako sa loob mo upang gawin kang pinaka-malakas na tao sa iyong nayon!” Ani ng halimaw. “Ayaw mo bang maging pinaka-malakas at pinaka-magaling na panday?”

Napa-isip bigla ang panday… “Aba, totoo kaya ang sinasabi ng halimaw?”
“O sha! Sige! Ibibigay ko sayo ang aking pangalan sa kundisyon na gagawin mo akong pinaka-malakas at pinaka-magaling na panday hindi sa buong nayon kundi sa buong rehiyon!” sagot ng panday sa halimaw.

Tumalon ang halimaw paloob sa panday.

Ang halimaw ay naging si Flavio ang panday. Nagkaroon na siya ng kanyang sariling pangalan na kinaasam niya.

Naging dambuhala si Flavio! Siya na ang naging pinaka-malakas at pinaka-magaling na panday sa kanyang nayon, pati narin sa buong rehiyon!

“Tignan niyo ako mga tao! Kaya niyo bato oh?!” Sigaw ni Flavio habang hinugot niya mula sa lupa ang isang malaking puno ng mangga at inalog ito upang mahulog ang mga bunga sa mga namamanghang mga tao.

“Anong nangyari kay Flavio??? Aba! Nung isang araw lamang e isa lamang siyang normal na tao… nakapagtataka naman… Hindi naman sa mahina siya pero walang natatangi sa kanya noon. Paano siya naging ganyan kalaki at kalakas ng apaka ikiling panahon lamang?” nagtanong ang mga taong bayan sa isa’t isa.

Ngunit isang araw….

Habang nagpapasikat si Flavio sa mga taong nayon  bigla siyang nagsisisigaw na, “ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay apaka dambuhala!”

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Nilamon ng gutom na halimaw si Flavio mula sa loob papalabas. Simula sa ulo hanggang paa!

Muli siyang naging isang halimaw na walang pangalan. Hindi nanaman siya mapakali. “AAAAAAAHHH!”  Sinabunutan niya ang kanyang sarili at hinugot ang buhok sa ulo, dibdib at kahit sa braso habang nagwawala at sumisigaw ng, “Gusto ko nang pangalan! Bigyan niyo ko nang pangalan! Ayoko na…”

Nawawalan siya ng loob kada panahon na walang siyang pangalan. “Hinding-hindi puwede mangyari ito! Kailangan kong maghanap muli.”

Kahit na pumasok siya sa loob ni Dr. Axis  ang siyentipiko…

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Muling naging halimaw siya na walang pangalan.

Kahit na pumasok siya sa loob ng mangangasong si Totoy Bato…
Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Halimaw nanaman siya na walang pangalan.

Kahit na pumasok pa siya sa loob ni Rustom Padilla upang maging Bebe Gandang Hari o ZsaZsa Zaturrnah…

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Bumalik siya muli bilang isang halimaw na walang pangalan.

At kahit pa pumasok siya sa loob ni All-Star bad-boy Robin Padilla…

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Pabalik-balik lamang siya sa pagiging isang malungkot na halimaw. Walang pangalan na halimaw.













II Ang Pangalawang Kabanata: Paghahangad ng dambuhala
Tumakbo papunta nang isang dakilang kaharian ang halimaw. At doon pumasok siya papaloob ng kastilyo ng mga maharlika upang mahanap ang isang kahanga-hanga pangalan para sa sarili niya...

Doon natagpuan niya ang isang balisang sakiting bata na naka-higa at nagpapahinga sa kanyang kama.

“Bata… pakinggan mo ako. Alam kong sakitin ka at nalulumbay nalang palagi sa iyong kama. Puwede kitang palakasin. Ibigay mo lang ang pangalan mo sakin.”

Tugon ng balisang bata, “ Pagalingin mo ako sa aking mga sakit, palakasin mo ako upang maka-bangon at ibibigay ko sayo ang hiling mo sakin.”
Pumasok ang dambuhalang halimaw sa loob ng masakiting bata!

Sumigla ang bata at naging malakas! Gumaling siya mula sa kanyang mga sakit at lumusog.

Nagkatuwaan ang mga tao at sila ang nagdiwang!

Ang hari ang galak na galak dahil sa magandang balita at nagpadaos ng pagdiriwang sa buong kaharian.
“ Magaling na ang prinsipe! Apaka lusog na ng prinsipe! ”

Mahal na mahal nang halimaw ang pangalan ng prinsipe. At naggiliwan siya sa buhay niya sa loob ng kastilyo. Nahanap na niya ang minimithi niyang pangalan at katayuan.

Kaya naman kahit na gutom na gutom na siya ay tinitiis nalang niya ito. Ayaw niyang mawalay sa kanyang pangarap.
Araw araw kahit na walang laman ang kanyang tiyan at nababaliw na siya sa gutom tuloy-tuloy lang siya sa pagtitiis.

Ngunit ng minsan, dahil na ulol na siya sa gutom…

“ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay apaka dambuhala!”

Kinain ng prinsipe ang kanyang amang hari…

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Ang pinaka-mamahal niyang inang reyna…

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Inisa-isa niyang kinain ang kanyang mga kapatid mula sa babaeng bunso hanggang sa kuya niyang panganay,

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Ang kanyang mga tagapaglingkod,

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Kahit na ang mga guwardya na sinubukan siyang pigilin.

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Pati ang mga tagapag-libang na mga payaso na sila, Michael Jackson, ang nambubugbog na si Chris Brown, kalbong Britney Spears, immortal na si Madonna, plastic surgery miracle Cher, couch-jumping Tom Cruise, sila Branjelina at 101 nilang anak, si Rihanna (dahil binalikan niya si Chris Brown), Snoop Dogg, Harry Potter, Si Randy Jackson pati na ang buong angkan ng Jacksons, si Simon Cowell, lasing na Paula Abdul, American Idol contestants, si Bob Ong ( masarap daw siya ), si Paris Hilton at Nicole Richie, si Ocoto-MOM, si Dr. Phil, at last but not the least ang pinaka-mamahal niyang si Oprah (No………………………!!!).

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Nagpa-tawag nang back-up ang mga taong bayan dahil ayaw nilang makain ngunit nasawi ang mga tagapagtanggol nila. Dahil kada lipad ng mga tagapagtanggol na si Captain Barbel, Darna at Combatron hinihigop at nilalamon sila ng halimaw. Hindi rin napigilan ng mga tattoo ni Joaquin Bordado at mga Pintados ang halimaw.

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Nilamon ng halimaw ang lahat. Wala siyang tinira hanggang malamon niya ang buong kaharian.

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.
“ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay apaka dambuhala!”

Subali’t wala nang natira…

















III Ang Pangatlong Kabanata: Harapin and halimaw sa loob
Naglakad ng naglakad ang halimaw. Kung san san siya napunta. At kahit san siya maabutan ng gutom…

“ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay lumalaking apaka dambuhala!”

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

“ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay lumalaking apaka dambuhala!”

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

“ Tignan niyo ko! Tignan niyo ko! Ang halimaw sa loob ko ay lumalaking apaka dambuhala!”

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Ngunit dahil wala nang natira, patuloy siya sa kanyang paglalakbay sa anyo nang prinsipe.

Dahil sa kanyang pangalan at anyong batang prinsipe ng isang kaharian ay malugod siyang tinatanggap sa kung san man siya pumaroon. Akala kasi ng mga tao ay isa siya sa mga naka ligtas sa mga delubyong nagaganap sapagka’t wala naming ibang nakakapag kuwento ng mga storya ng kaganapan.
“Pumarito ka munting prinsipe. Dito ka manatili at aalagaan ka namin.”

Ahm! Ngumata. Langutngot. Lumunok.

Isang araw habang naglalakad siya sa kanyang paglalakbay at natugunan niya ang kakambal niyang halimaw na pumaroon sa kanluran.
“ May pangalan nako… Apaka ganda ng pangalan kong munting prinsipe ng isang malaking kaharian.”  At patuloy nitong kinuwento ang mga kaganapan sa kanyang buhay at kung paano siya naging gayon. “Ako ay may isang pangalan. Ito ay isang kahanga-hangang pangalan!”

Ngunit ang halimaw na pumunta sa kanluran ay nagsalita.
“Hindi ko kailangan ng pangalan. Masaya ako sa kung sino ako. Kahit wala akong pangalan tanggap ko kung ano ako.
Ako ay isang halimaw na walang pangalan. Tayo, ay mga halimaw na walang pangalan… Dapat matanggap mo din……………”

Nilamon ng buong bangis ng halimaw galling silangan ang nagsasalitang halimaw mula kanluran.



Kahit na may pangalan na ang halimaw na galing silangan, wala nang natira para tawagin siya sa kanyang minithing pangalan.

Anghelo…

Prinsipe Anghelo
Ito ay isang kahanga-hangang pangalan.
Creative Commons License
Some rights reserved. This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.
:iconbazurs13:

Author's Comments

my Filipino prof asked us to write or translate a story into Tagalog. since i'm so engrossed in monster right now i thought that i should make a parody of it in tagalog. i think what i wrote is *okay* i kept the story true to the original, but i added a bit of comedy

inspired by : Monster w/o a name By Naoki Urasawa
tagalized by : :iconbazurs13: me

Comments


love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0
No comments have been added yet.

Details

March 6
11.7 KB
9.4 KB
116×150

Statistics

0
0
164 (0 today)
34 (0 today)

Site Map